Food Park Na Rin Yung Kainan Ko

Tutal, okay lang naman pala sa mga cool na kabataan na kumain na walang air con, o kahit walang bubong.

by Arlene Chua

Kailangan lang may sounds kasama sa bagnet. Marami akong bagnet, at marunong din naman akong mag-Spotify. Turo-turo pa rin ang sistema, pero bibigyan ko ng sari-sariling stasyon yung pagkain. Baka maging masikip sa bangketa namin, pero parang okay lang naman sa inyo na magsikisikan. So ngayon, kukuha ka ng nilagang isda sa “Wish for Fish.” Tapos yung sinagang na baboy nasa “The Sour Pig.” Yung mga isaw magkasama pa rin, pero fifty pesos na isa. Pero sulit naman kasi yung sawsawan ko may mangga. Artisinal mango-infused vinegar. Ilalagay ko na lang sa magandang garapon, para hindi mo maramdaman na nalulugi ka.

Hindi na rin siya “Kainan ni Aling Nene.” Marami na rin akong kandidato para sa bagong pangalan, pero ang paborito ngayon yung KRNDRYA. Sabi sakin ni Tonton na ito yung pinaka-cool. Hindi ko alam kung kailan nalaos ang mga patinig, pero mas madali na lang na maki-ride. Hindi uusbong ang negosyo kung hindi ka sumasabay sa daloy ng hangin.

Sorry na lang sa mga suki ko. Kung sa akin lang, ayoko nang magbago. Pero may mga apo na ako, at hindi ko man sila naiintindihan, gusto ko pa ring maging bahagi ng buhay nila. Konting pagkakaiba lang naman talaga, sa huli. Mainit, mausok at maingay pa rin ang kalalabasan. Mas mahal lang nga